Nakuha ko na rin after 1 month since opening and adding funds sa CIMB UpSave ko. Ka-partner nila PruLife pero Life lang, di tulad ng iba may accidental benefit din.
Sino pa banko ang meron free life insurance?
Link sa promo - https://archive.is/nJcG2
Ano pa banko meron? Di ako familiar sa iba.
Sayang GSave integration. Dapat pala mauna ma-create yun GSave to CIMB para may integration. Kung CIMB account unang na-create, di na pwede ma-integrate sa GSave.
Sorry for the late reply pero we have the same scenario. Pero yung akin, in-empty ko muna yung pera ko sa CIMB then nag-contact ako sa CS nila to delete the existing CIMB account para makagawa ako ng new CIMB account thru GSave. If feasible naman sa’yo 'yan, you could try also heheh
Uy thanks sa tip, kaso baka mawala life insurance. Pagisipan ko muna.